Mga Ibong Mandaragit Ni: Amado V. Hernandez


 I.                   PANIMULA

a.      PAMAGAT

*      Mga Ibong Mandaragit Ni: Amado V. Hernandez

b.      KAHULUGAN NG PAMAGAT

*      Pumapatungkol ang pamagat ng nobela "Mga Ibong Mandaragit" sa hindi pagkakapantay-pantay ng tingin sa mga tao sa lipunan.

c.       MAY AKDA

*      Si Amado V. Hernandez ang siyang nasa likod ng makasaysayang nobelang ito. Isa siyang kilalang manunulat at aktibistang makalipunan na nagkamit na rin ng maraming parangal dahil sa nobelang ito. Ang tanging hangad ni Hernandez nang isinulat niya ito ay upang himukin tayo sa pagbabago sa sistema sa bansa. Sa kanyang panulat ay hinangad niyang mabigyan ng pagbabago at maiangat ang katayuan sa buhay ng maraming tao sa ating bansa.

II.                BUOD

Nagsimula ang kwento sa kalagitnaan ng taon 1944 kung kailan humihina na ang imperyo ng mga Hapon dito sa Pilipinas. Inatake ng mga Hapon ang Sampitan sa tangkang agawin ang Infanta mula sa mga gerilyerong Pilipino,nagkaroon ng sagupaan. Dahil sa kakulangan sa mga armas na pandigma ay halos naubos ang hukbo ng mga Pilipino.

Isa sa mga nakaligtas ay si Mando. Habang tinatahak ni Mando ang kagubatan upang makaligtas ay nakilala niya sina Karyo at Martin. Sabay-sabay na tinahak ng tatlo ang daan patungo sa bahay ni Tata Matyas na isa ding gerilyero noong kapanahunan pa niya.

Pagkatapos kumain ay nagpahinga sina Martin at Karyo samantalang sa labas ng bahay ay nag-usap sina Tata Matyas at Mando. Napag-usapan nila ang dalawang magigiting na akda ni Jose Rizal, and Noli me Tangere at ang El Filibusterismo. Ipinahayag ni Tata Matyas na naniniwala siya na totoo ang kwento mula sa mga nasabing nobela.

Kanya ring ipinahayag ang kagustuhang sisirin ang mga kayamanan ni Simoun kung siya ay kasingedad pa ni Mando. Sa tulong ng mapang ibinigay ni Tata Matyas, hinanap nina Mando kasama sina Karyo at Martin ang dagat kung sinasabing itinapon ang mga kayaman ni Simoun, natagpuan nila ito sa Atimonan.

Sa kabila ng tagumpay ay namatay si Karyo dahil sa isang pating na sumalakay sa kanya samantalang si Martin naman ay pinatay ni Mando dahil sa pagiging sakim nito. Nagwakas na din ang digmaan at muling nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan, ngunit kaakibat nito ay ang pagbalik din ng di makatarungan at mga makasariling gawain ng mga nakakaangat sa buhay.

III.             PAGSUSURI

a.      ISTILO NG PAGLALAHAD

*      Sa tulong ng Teoryang Realismo ay napalitaw ng manunulat ang tunay na kalagayan ng mga Pilipino. Mahusay niyang naisalaysay ang kaapihang dinanas ng mga Pilipino at kung paano sila lumaban at gumanti sa mga Hapon. Isinalaysay ng may-akda ang masalimuot na buhay ng mga Pilipino sa panahong iyon. Naging malikhain ang may- akda sa bahaging paggamit ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo sa paglalarawan ng kalagayan ng kaniyang nobela at lubha itong nakaganda at nakadagdag ng tamis at anghang sa kaniyang obra.

b.      TAYUTAY NA GINAMIT

*      "Gusto mong sugpuin ang apoy, eh, binubusan (binubuhusan) mo ng petrolyo".

*      "Kailangan pa ng isang Bonifacio at ng kanyang Katipunan upang palayain ang Pilipinas”.

*      "Kalahating siglo na ito, ngunit ang mga pangyayaring dinadaliri'y walang pinag-ibhan sa mga nakikita natin ngayon, baka sakaling higit na makapal ngayon ang Mga Ibong Mandaragit."

c.       PANSIN AT PUNA

*      Natuklasan ko ang mga paghihirap na dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan na inilarawan ng may-akda. Tumatak sa aking isipan ang mga pasakit at paghihirap na natanggap nila sa mga mananakop. Ito ang aking magiging inspirasyon upang sa kabila ng kahirapan ay magpatuloy ako sa pag kamit ng aking pangarap.

*      Naging malinaw rin sakin na may mga pagsubok kang kailangang pagdaanan upang makamit mo ang isang bagay. Natuto ako kung paano maging matapang, kung paano mo mamahalin ang bansang iyong sinilangan sa paraang kaya mo at kung paano magdesisyon na ang tanging iniisip ay kung ano ang tama.

TAUHAN

Mando Plaridel - pangunahing tauhan sa kuwento. Siya ang nakahanap sa kayamanan ni Simoun na itinapon ni Padre Florentino sa Karagatang Pasipiko. Sa tulong ni Tata Matyas, ang punong patnugot ng kampilan.

Dolores Montero - (Dolly), siya ang bugtong na anak ng pamilyang Montero na naging karelasyon ni Koronel Moto noong panahon ng mga Hapon. Nabuntis siya ni Tinyente Whitey sa panahon ng liberasyon, makakarelasyon ni Mando sa Paris.

Tata Matyas - ama amahan ni Mando na isang rebolusyonaryo sa tatlong panahon ng pananakop mula sa Kastila, Amerikano hanggang sa mga Hapones, Nagmanman siya sa mga lugar na maaaring pinagtapunan ni Padre Florentino sa mga kayamanan ni Simoun.

Magat - isang lider sa Kalayaan na namumuno sa isang disiplinadong pangkat ng gerilyero sapagkat hawak niya ang gobyerno, doon siya ay magiging pangunahing editor ng kampilan.

Don Segundo Montero - ang madugas na negosyante at nagmamay ari ng Hacienda Montero.

Donya Julia Montero - asawa ni Don Segundo na nahuhumaling sa dating karelasyong si Gobernador Doblado.

Karyo - isa sa mga kasamahan ni Mando na nakatakas sa paglusob ng mga Hapon sa huling kuwartel ng mga gerilyang Pilipino sa mga y Tayabas, ang sampitan siyang naging tulay nina Martin at Mando upang maging mabuting magkakasama. Namatay nang ito'y inatake ng pating sa Karagatang Pasipiko habang siya ay sumisisid.

Martin - isa sa mga kasamahan ni Mando.

GALAW NG PANGYAYARI

Ang mga pangyayri ay sunud-sunod na inilahad batay na rin sa takbo ng mga karanasan ni Mando May mga kabanata lamang na hindi kasunod ng naunang kabanata. Dito ipinapakita ang pagbalanse ng istorya at mga tauhan na nagbibigay sigla sa mambabasa upang buklatin pa ang susunod na kabanata hanggang sa matapos ang nobela.

I.                    PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

a.      KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN

*      Ipinakita ang iba’t ibang suliraning kinahaharap ng bansa; ang diskriminasyon sa pagitan ng mahihirap at mayayaman, ang kahirapan na hanggang sa kasalukuyan ay tinatamasapa rin natin, at ang katiwalian ng pamahalaan o ng matataas na antas ng tao sa lipunan.

b.      KULTURANG PILIPINO

*      Ang kulturang Pilipino na makikita sa nobelang ito ay ang pagdadamayan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino upang sugpuin ang diskriminasyon na kanilang nararanasan sa pagitan ng mga mayayaman at may kapangyarihan at ng mga Pilipinong nasa laylayan ng Lipunan. Isa pa nabuhay sa kanila ng pagiging osang nasyonalismo.

SIMBOLISMONG PILIPINO

*      Ang simbolismong makikita sa nobelang ito ay ang Mga Ibong Mandaragit kung saan ito ay nangangahulugan ng kalupitan at walang-awang pagmamalupit sa mga Pilipino.

II.                 PAMPANITIKANG PAGTALAKAY

a.      PANLIPUNAN

*      Masasabi kong ang nobelang ito ay isang paalaala sa lahat ng mga Pilipino na maging Mabuti. Ipinakikita sa atin ng may-akda na tayo-tayo rin ang magtutulungan upang masugpo ang lahat ng problemang kinakaharap ng ating bansa, walang ibang kikilos para sa ating bansa kundi tayo rin kung kaya't tayo ay magkaisa at magtulungan patungo sa kaunlaran. Isipin natin ang kapakanan ng lahat at huwag kalimutang manalangin sa Panginoon sa panahon na tayo ay dumadaan sa matinding pagsubok. Walang matinding problema kung tayo ay nagkakaisa. Huwag nating hayaang muli tayong masakop ng mga dayuhan sapagkat ang Pilipinas ay atin. Ito ang ating tirahan. dito tayo isinilang at dito rin tayo mamamatay. Subalit wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na mamatay nang may ginawa kang mabuti para sa bayan.

b.      PANG-MORAL

*      Paghahanap ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais ng mga tao na lumaya mula sa mga makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy na nagpapahirap sa mga dukha.

c.       PANG-SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKAL

*      Ang nobelang ito may temang sosyo-politikal kung saan inilahad ang kalagayang politikal at panlipunan ng bansa. Ito ay naglalarawan sa totoong buhay ng isang tao na kumakatawan sa lipunan sa pamamagitan ng pagsasabuhay o pagsasalaysay ng isang kwento.

III.              TEORYANG PAMPANITIKAN

*      Teoryang Realismo - sapagkat ipinakita ang katotohanan at ang realidad ng buhay. Ang nobela ay nagtataglay ng diskriminasyon, kahirapan, kalupitan at pang-aabuso na siyang naghahari at umiiral sa kasalukuyang panahon. Ipinakita rito kung gaano kalupit ang mga Hapon sa ating mga ninunong Pilipino na nagbunsod ng pag-aaklas at paglaban sa kanila.

IV.              IMPLIKASYON

a.      PANLIPUNAN AT PAMBANSA

*      Ang implikasyon ng nobelang ito ayon sa panlipunan at Pambansa ay ito ay dahil ang mga ganitong uri ng pangyayari ay nagaganap pa rin sa kasalukuyang panahon. Maaaring kamukha o ibang porma nito kung saan naaapi pa rin ang mas mababa magdudulot ito ng mas matinding pangingialam sa kalagayan ng lipunan at matutong tumayo sa kanyang paa upang makipagtalastasan at makipaglaban hindi lang sa mga sarili ngunit higit sa nakakarami Ang pagigng maalam sa mga problema na maaaring nakaharap ay dapat pag-aralan at hindi basta- basta isakawalang-bahala Maging sa pagpili ng mga pinuno ng bayan ay dapat ipagmuni-muni upang hindi magsisi sa huli. Ang naging bunga ng pagbabasa ng "Mga Ibong Mandaragit" ay vigilance at hakbang sa makatarungan at pagkakapantay-pantay ng lipunan, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Pambansa kagaya ng mga Amerikano na tumulong sa mga Pilipino noong mga panahon na yuon.

b.      KALAGAYANG PANSARILI

*      Ang aral na aking napulot o nakuha sa akda ay dapat nating mahalin at ipagtanggol ang ating bansa sa kahit na ano pa mang paraan na ating makakaya. Huwag nating hayaang masakop tayong muli ng mga mananakop. Ipagmalaki natin ang ating lahi at lahat ng ating gagawin ay siguruhing walang maidudulot na masama sa ating bayan sapagkat anuman ang iyong gawin, ang ating sariling bayan din ang maaapektuhan nito.

Comments