PAGLALAKBAY
larawan mula sa Pinterest PAGLALAKBAY Si Fidel ay taga probinsya ng Quezon at lumuwas pa Maynila upang maghanap ng magandang trabaho. Umalis siya sa kanilang probinsya sapagkat marami ang nagsasabi na madami ang uportunidad sa Maynila kaysa sa probinsyang kaniyang pinanggalingan. Kasalukuyang nakasakay si Fidel sa pampasaherong bus. Habang sakay siya nito ay nagmamasid-masid siya sa bintana ng tumatakbong bus at napansin niyang ibang-iba ang kapaligiran dito kaysa sa probinsya. Dumating ang bus sa terminal kung saan bababa si Fidel, agad itong tumayo at bumaba sa bus. Humakbang ng limang beses si Fidel at ibinuka niya ang kanyang kamay upang langhapin ang hangin dito. Napatigil ito sa paglanghap ng hangin nang may biglang sumigaw na Ale sa di kalayuan. May lumapit pala na batang palaboy sa ale at namamalimos “ate pahingi po ng barya, hindi pa po ako kumakain simula pa kagabi” ani ng pulubi “ay totoy wala akong barya” sagot ng ale “sige na po ate” pagmamakaawa ng pulubi Nagulat si Fidel...