KABABALAGHAN
Larawan mula sa Pinterest
THIRD EYE
Agad siyang tumayo sa pagkakahiga at tiniklop ang hinihigan, pagkatapos ay agad siyang dumiretso sa cr upang gawin ang morning rituals. Nang siya ay matapos, agad siyang dumiretso sa ref upang kumuha ng lulutuin para sa kanyang almusal subalit napatigil s'ya ng maalala niyang hindi pala siya nakapag grocery kahapon dahil nakatulog siya dahil sa kapaguran sa trabaho, kaya naman walang laman ang kan'yang ref. Tiningnan niya ang orasan at alas singko pa lang ng umaga kaya naman agad siyang kumuha ng jacket upang pumunta sa convenience store upang bumili ng makakain.
Naglalakad si Sabel nang may mapansin siyang isang lalaki na hindi kalayuan sa kanya ang tatawid ng kalsada. Hindi na sana niya ito papansinin subalit pagkalingon niya sa likuran ay may nakita siyang bus na matulin ang pagpapatakbo. Agad sinigawan ni Sabel ang lalaki subalit napansin niyang naka earphone ito kaya hindi nito narinig ang sigaw sa kanya ni Sabel. Tumingin muli si Sabel sa bus na matulin pa rin ang pagpapatakbo at parang hindi nakita ang tumatawid na lalaki kaya naman dali-daling tumakbo si Sabel papunta sa lalaki at hinigit ito papunta sa gilid ng kalsada at sa mga sandaling yuon ay konti na lang ang pagitan nila ng bus.
Nagpagulong-gulong si Sabel at napahawak sa dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso nito at habol-habol ang hininga nang tingnan niya ang lalaki, nakita nitong nanlalaki ang mata nito at di makapaniwalang nakatingin sa kaniya. "kuya, sa susunod tingnan mo ang dinaraanan mo para hindi na maulit ang ganito" sabi niya sabay tayo.
Wala siyang nakuhang tugon mula sa lalaki at ganon pa rin ang reaksyon nito simula pa kanina na parang hindi makapaniwala ang reaksyon nito sa nangyari. Inisip na lamang ni Sabel na na-shock ito sa nangyari. Dahil wala rin namang nakuhang tugon si Sabel ay nag pasya na itong umuwi sa kanilang bahay dahil nawalan na siya ng ganang bumili ng almusal dahil sa nangyari.
Pagkadating niya sa bahay ay agad itong naligo at nang magbibihis siya ay napansin niyang wala doon ang damit niya kaya naman lumabas siya at kumuha ng kaniyang damit na susuotin sa trabaho. Noong paglabas niya ng cr may nakita siya sa labas ng bintana na isang lalaki na nakatayo sa labas ng apartment niya. At nang maaninag niya ang lalaki sa labas ay agad nagsingkit ang mata nito ng makitang ang lalaking ito ay ang lalaki na muntik nang masagasaan ng bus kanina.
Nang makita ng lalali na tinitingnan siya ni Sabel ay agad itong namutla at nanlaki ang mata. Humakbang ito ng ilang beses pa atras at saka kumaripas ng takbo papalayo.
"Wierd" tanging nasambit ni Sabel.
Hindi pa man nakakapasok si Sabel sa trabaho ay nakaamoy siya ng bulaklak at kandila. suminghot-singhot siya at pinuntahan kung saan nanggagaling ang amoy kandila at nakarating siya sa tapat ng pintuan. nagdadalawang isip pa siya kung bubuksan niya ang pinto pero dahil sa kaniyang kuryusidad ay binuksan na lamang niya ito.
Nagulat siya sa taong bumungad sa pintuan dahil ito ang lalaki na muntik ng mabangga ng bus kung hindi niya lang nahila sa tabi ng kalsada. Pagkabungad ni Sabel sa pinto ay gulat na naibagsak ng lalaki ang dala nitong bulaklak sa sahig na may nakatirik na dalawang malaking kandila. Nanginginig nitong inayos ang pagkakalagay ng bulaklak sa tabi ng kandila bago ito kumaripas ng takbo.
Ganoon na lamang ang pagtataka ni Sabel kung bakit ganoon ang inakto ng lalaki at bakit siya ng lagay ng mga bagay na iyon. Bigla siya napatingin sa bulaklak at kandilang nakatirik sa tapat ng pintuan. Naisip naman ni Sabel na baka nagpapasalamat lamang ang lalaki sa pagligtas nito sa kaniya, pero naisip niya bakit may kandilang kasama.
Nang pumasok si Sabel sa loob ng bahay dala ang bulaklak ay may nahulog ditong isang maliit na piraso ng papel. Umupo siya para kuhain ang papel at napansin niyang may nakasulat ditong "salamat".
Tatayo na sana si Sabel ng marinig niya ang balita sa tv na agad na ikinatigil niya
"Kapapasok lamang na balita, isang babae ang patay matapos masagasaan ng isang bus sa Maynila. Ayon sa mga nakakita, naglalakad lang umano ang babae ng makita ang isang lalaki na tatawid na hindi nakita ang paparating na bus kaya agad itong tinulak ng babae at siya ang nasagasaan".
Dali-dali siyang tumayo at tiningnan ang tv. Natutop niya ang kanyang bibig sa nakita. Isang babaeng nakahandusay na punong-puno ng dugo ang katawan ang pinagkakaguluhan ng tao sa gitna ng kalsada. Napatitig siya dito at napaupo sa sahig.
Siya, siya ang babaeng nakahandusay sa gitna ng kalsada at wala nang buhay.
Napagalaman niya na ang lalaki na nagdala sa kanya ng bulaklak at nagtirik ng kandila sa harap ng pintuan niya ay may third eye. Pinadalhan siya nito ng bulaklak bilang pasasalamat sa pagligtas nito sa kaniya.
Lingid sa kaalaman ni Sabel, pinagmamasdan siya ng lalaking kaniyang iniligtas mula sa bintanang nakabukas. Walang nagawa ang lalaki kundi hilingin sa panginoon na sanay maging matiwasay at makatawid ang kaluluwa ni Sabel sa kabilang buhay.

Comments
Post a Comment