Posts

MAGNIFICO

Image
  TEMA/PAKSANG DIWA:      Ang pelikulang Magnifico ay pumapatungkol sa  isang bata na nagngangalang Magnifico. Ang pangunahing paksa ng pelikulang ito ay ang pagkakaroon ng payak na pamumuhay, pag mulat sa mundo ng kahirapan ng pangunahing tauhan at ang pagkakaroon ng patong-patong na problema na karaniwang nararansan ng mga taong nasa laylayan ng lipunanan.Siya ay namulat sa mundo ng kahirapan. KUWENTO      Base sa pinanood na pelikula, bawat eksena na aking nasasaksihan ay nakikita at patuloy pa ring nararanasan sa kasalukuyang panahon. Kaya naman masasabi ko na kahit luma na itong pelikulang ito ay makakarelate pa rin dito ang mga manonood sapagkat hanggang ngayon ay talamak pa rin sa ating paligid ang ganitong uri ng pamumuhay.      Malalim ang istorya ng pelikula sapagkat ang istorya ay umiikot sa mundo ng kahirapan kung saan bagamant lugmok sa kahirapan ang pamilya ng pangunahin tauhan na si Magnifico ay may nakakain naman ang...

Mga Ibong Mandaragit Ni: Amado V. Hernandez

Image
  I.                    PANIMULA a.       PAMAGAT       Mga Ibong Mandaragit  Ni: Amado V. Hernandez b.       KAHULUGAN NG PAMAGAT       Pumapatungkol ang pamagat ng nobela "Mga Ibong Mandaragit" sa hindi pagkakapantay-pantay ng tingin sa mga tao sa lipunan. c.        MAY AKDA       Si Amado V. Hernandez ang siyang nasa likod ng makasaysayang nobelang ito. Isa siyang kilalang manunulat at aktibistang makalipunan na nagkamit na rin ng maraming parangal dahil sa nobelang ito. Ang tanging hangad ni Hernandez nang isinulat niya ito ay upang himukin tayo sa pagbabago sa sistema sa bansa. Sa kanyang panulat ay hinangad niyang mabigyan ng  pagbabago at maiangat ang katayuan sa buhay ng maraming tao sa ating bansa. II. ...

PAGLALAKBAY

Image
larawan mula sa Pinterest PAGLALAKBAY Si Fidel ay taga probinsya ng Quezon at lumuwas pa Maynila upang maghanap ng magandang trabaho. Umalis siya sa kanilang probinsya sapagkat marami ang nagsasabi na madami ang uportunidad sa Maynila kaysa sa probinsyang kaniyang pinanggalingan. Kasalukuyang nakasakay si Fidel sa pampasaherong bus. Habang sakay siya nito ay nagmamasid-masid siya sa bintana ng tumatakbong bus at napansin niyang ibang-iba ang kapaligiran dito kaysa sa probinsya. Dumating ang bus sa terminal kung saan bababa si Fidel, agad itong tumayo at bumaba sa bus. Humakbang ng limang beses si Fidel at ibinuka niya ang kanyang kamay upang langhapin ang hangin dito. Napatigil ito sa paglanghap ng hangin nang may biglang sumigaw na Ale sa di kalayuan. May lumapit pala na batang palaboy sa ale at namamalimos “ate pahingi po ng barya, hindi pa po ako kumakain simula pa kagabi” ani ng pulubi “ay totoy wala akong barya” sagot ng ale “sige na po ate” pagmamakaawa ng pulubi Nagulat si Fidel...

KABABALAGHAN

Image
Larawan mula sa Pinterest THIRD EYE Si Sabel ay nangungupahan sa isang maliit na apartment sa  Maynila. Nag ta-trabaho siya sa isang malaking kompanya at dahil maagap ang pasok niya at ayaw niya ng na la-late siya sa kanyang trabaho ay  gumigising siya ng madaling araw.  Agad siyang tumayo sa pagkakahiga at tiniklop ang hinihigan, pagkatapos ay agad siyang dumiretso sa cr upang gawin ang morning rituals. Nang siya ay matapos, agad siyang dumiretso sa ref upang kumuha ng lulutuin para sa kanyang almusal subalit napatigil s'ya ng maalala niyang hindi pala siya nakapag grocery kahapon dahil nakatulog siya dahil sa kapaguran sa trabaho, kaya naman walang laman ang kan'yang ref. Tiningnan niya ang orasan at alas singko pa lang ng umaga kaya naman agad siyang kumuha ng jacket upang pumunta sa convenience store upang bumili ng makakain.  Naglalakad si Sabel nang may mapansin siyang isang lalaki na hindi kalayuan sa kanya ang tatawid ng kalsada. Hindi na sana niya ito papans...

PAGPAPAUBAYA

Image
Tinatanaw kita sa malayo, ang malamyos na tinig mo ang pumukaw ng atensyon ko. Ang galing mo pala, kaya lalo akong bumilib. Ngunit may mga bagay talaga na hindi pumapabor sa iyo. Dahil sa kabila ng aking pagkabilib sa iyo, iba pala ang iyong kinabibiliban. Mahirap gawin itong bagay na ito, mahirap, lalo na’t mahal mo na ata siya, na gagawin mo ang lahat para lamang sakanya pero ‘di ikaw ang gusto niya, wag na kasi. Aasa ka kasi mahal mo, aasa ka kasi gusto mo, yan ang mga tapat, pero kung sino pa yung mga taong tinatapunan ng totoong pagmamahal, siya pa yung umiilag, yung mga taong ‘di mo alam kung totoo ba o pinapaasa ka lang, ayon sinasalo mo.  Minsan kasi masakit na malaman mong ang isang kaibigan mo ang magiging kaagaw mo sa isang tao, hindi mo pa rin kakayaning wasakin ang pagkakaibigan niyo at handa ka magparaya at iwan ang lahat para sa kanya. Para sa ikasasaya nilang dalawa. Masakit. Pero ito lang ang tanging paraan. Mahal na ata kita kaso mahal mo kaibigan ko. Pinaubaya ki...

Tulay

Image
Larawan mula sa RMN Networks      May mag-asawang nagngangalang Charlotte at William ang naninirahan sa bayan ng Tayabas. Si Charlotte ay isang arkitekto na nagdadalang tao sa magiging unang supling nila ng kaniyang asawa samantalang si William ay isang inhenyero. May pagiging perpektoista si Charlotte kaya naman gusto niyang lahat ay perpekto. Naging sunod-sunuran si William sa kaniyang asawa kaya naman lahat ng desisyon nito ay sinusunod nito labag man sa kalooban niya.     Kinaumagahan, dali-daling kinuha ni William ang kanilang sasakyan upang dalhin si Charlotte sa ospital dahil ito ay manganganak na. Nang makarating sa ospital ang mag-asawa ay dali-dali itong inasikaso ng mga nurse. Makalipas ang tatlong oras ay tuluyan ng iniluwal ni Charlotte ang supling na kanyang dinadala. Habol hininga at pagod na pagod niyang sinisilip ang kaniyang anak. Nang makita niya ang saggol ay hindi niya iyon nagustuhan sapagkat ang isinilang niyang sanggol ay hindi karaniwan ...

Saklap

Image
Balang Araw Hanggang tingin na lang ba ako? Hanggang sulyap sa mga tiktok videos n'yo? Gusto kong pumunta, pero paano? Kung ang laman ng pitaka ko'y 'di nakikisama Kay saklap naman oo Ito siguro ang panahon, Panahon, kung saan isinusumpa ko ang pagiging mahirap Saklap diba? Mahirap maging mahirap May mga oras na 'pag may concert sila wala kang pera, wala pang ipon Kaya naiisip ko nalang, paano ba maging sila? Kaya ako ito, umaasa sa livestream o kaya naman audiostream Naghahanap ng paraan mapanood lang kayo Mapa facebook, twitter maging sa tiktok Siguro sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon Isa na ako sa nasa harap n'yo, nakikikanta sa mga awitin n'yo Tili dito, tili roon Yung tipong 'di magkamayaw sa pagsigaw