PAGLALAKBAY
Si Fidel ay taga
probinsya ng Quezon at lumuwas pa Maynila upang maghanap ng magandang trabaho.
Umalis siya sa kanilang probinsya sapagkat marami ang nagsasabi na madami ang
uportunidad sa Maynila kaysa sa probinsyang kaniyang pinanggalingan.
Kasalukuyang nakasakay si
Fidel sa pampasaherong bus. Habang sakay siya nito ay nagmamasid-masid siya sa
bintana ng tumatakbong bus at napansin niyang ibang-iba ang kapaligiran dito
kaysa sa probinsya.
Dumating ang bus sa
terminal kung saan bababa si Fidel, agad itong tumayo at bumaba sa bus. Humakbang
ng limang beses si Fidel at ibinuka niya ang kanyang kamay upang langhapin ang
hangin dito. Napatigil ito sa paglanghap ng hangin nang may biglang sumigaw na Ale
sa di kalayuan. May lumapit pala na batang palaboy sa ale at namamalimos
“ate pahingi po ng barya, hindi pa po ako kumakain simula pa kagabi” ani ng pulubi
“ay totoy wala akong barya” sagot ng ale
“sige na po ate” pagmamakaawa ng pulubi
Nagulat si Fidel nang
biglang sumigaw ang Ale sa pulubi
“Nasan ba ang magulang mo’t
hinahayaan kang mamalimos sa lansangan?” bulyaw dito ng Ale
“wag ka saakin mamalimos
at wala rin akong kapera-pera. Chooo!! Chooo!!” pagtataboy ng Ale
Bigong nilisan ng pulubi ang Ale at humanap ng ibang hihingian niya ng barya.
Nang masaksihan ito ni
Fidel ay napatanong na lamang siya sa kaniyang sarili. “Ganito ba talaga dito
sa Maynila?” basura doon, basura dito. Mga batang pulubi ay pinagtatabuyan dahil
sa karungisan. Kaliwa't kanang may pumipito at nagbubusinahan na mga sasakyan na
bumubuga ng maitim na usok. Ibang-iba sa probinsyang kaniyang sinilangan.
Subalit ang lungsod na ito ay tirahan ng
maraming tao na naghahangad ng pag-asenso sa kanilang buhay kagaya ni Fidel
kung bakit siya lumuwas papunta dito at iwan ang bayang tinubuan. Ang lungsod na
ito ay Malaki ngunit ganito ba talaga kadumi? Puno ng polusyon, maingay at
maraming palaboy ang naglipana sa paligid na laging nagmamakaawang humingi ng kaunting pagkain para lamang malamnan ang kanilang sikmura.
Hindi maiwasan ni Fidel ang pagkumparahin ang kaniyang paglalakbay sa Lungsod ng Maynila sa probinsyang kanyang pinanggalingan. At muli siyang napaisip. “Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng koneksyon sa kalikasan. Ang sarap sa pakiramdam na namnamin ng hangin na nagmumula sa natural na kapaligiran.” Kaya sa patuloy na paghahanap ng kaligayahan tanging sagot ay paglalakbay.

Comments
Post a Comment