Ala-ala na lamang
Tila ba ako'y naliligaw sa mundong umaalingawngaw Di ko na matagpuan ang dati kong gawi Di ko na maramdaman ang dating pakiramdam Nakatingin ngayon sa kalangitan Inaalala mga nagdaan saan ko nga ba naramdaman Napakaraming ala-alang nagbigay saya sa akin isa na dito ay ang pagtingin kong sayo lamang nakalaan tuksuan, iyakan, na kay sarap balik-balikan mga panahong kami'y buo pa mga panahong naririnig ko pa ang malakas mong halakhak na pumapawi sa malulungkot naming araw mga surpersa mong walang kapantay na tumimo na sa puso't isipan kaya naman hinahanap-hanap Kay sarap balikan ala-ala ng nakaraan na tanging sa ala-ala mo nalamang mararamdaman