ODA
Larawan mula sa Pinterest "Salamat mahal kong ina" Siyam na buwan sayong sinapupunan sakit sa tiyan ay iyong dala-dala subalit ang pagmamahal at pag-aalaga, ang iyong saligang inihanda Nang sa puntong ako'y isisilang kirot man ang naging dulot subalit ang makita ako ay mas lamang mga ngiti mo ang mas nag-uumapaw nagdaan ang maraming taon batid man ang hirap ng buhay subalit ang pag-aalaga mo ay naroroon at ang mga aral mo ang tangi kong gabay Ang pag aasikaso mo ay kakaiba kahit walang-wala ikay ay gumagawa Sa tuwinang ramdam ko ang iyong pagdaramdam kabilaan ang problema at pahinga ang inaasam Salamat aking mahal na ina ang masilayan ang ngiti mo ang nais kong makita hindi matatawaran ang lahat mong sakripisyo isa kang bayani na aking iniidolo