ULAN
Shakespearean Sonnet
Larawan mula sa Pinterest
"Patak ng Ulan"
Saan lulugar ang patak ng ulan
na lagiang kumakatok sa bintana,
bintanang hindi sila pinagbubuksan
luha ng kalangita'y nagmamarka
at kung pagbubuksan ay manlalamig
simoy ng hangin ay yayakap sayo
at s'yang babalutin ka sa panlalamig
na pilit pinapasok ang iyong pagkatao,
dahil ang bitbit nito ay kulimlim
tinutulugan lamang ng karamihan
subalit ang hindi natin mga alam
ang kailangan nito ay mapakinggan
umaasang may pinto na magbubukas
at ang luhang ito'y mabigyan ng lunas

Comments
Post a Comment