ODA
Larawan mula sa Pinterest
"Salamat mahal kong ina"
Siyam na buwan sayong sinapupunan
sakit sa tiyan ay iyong dala-dala
subalit ang pagmamahal at pag-aalaga,
ang iyong saligang inihanda
Nang sa puntong ako'y isisilang
kirot man ang naging dulot
subalit ang makita ako ay mas lamang
mga ngiti mo ang mas nag-uumapaw
nagdaan ang maraming taon
batid man ang hirap ng buhay
subalit ang pag-aalaga mo ay naroroon
at ang mga aral mo ang tangi kong gabay
Ang pag aasikaso mo ay kakaiba
kahit walang-wala ikay ay gumagawa
Sa tuwinang ramdam ko ang iyong pagdaramdam
kabilaan ang problema at pahinga ang inaasam
Salamat aking mahal na ina
ang masilayan ang ngiti mo ang nais kong makita
hindi matatawaran ang lahat mong sakripisyo
isa kang bayani na aking iniidolo

Comments
Post a Comment