Ako bilang anak
sa pagmamahal ay sabik
sa mga aral ay hitik
sa mga utos inaantok
kaya kapalit ay talak
Magulang ko ang gumabay
Sa problema'y hawak kamay
Na walang makakapantay
Sa simpleng buhay na bigay
Sila ang nagbigay kulay
Disiplina at respeto
'yan sa'kin ang turo
kaya saan man magtungo
iyan ay dala-dala ko
tumatak na sa aking puso
Sa mga pagkakataon
kalungkuta'y nilalamon
na pilit na tiinatakpan
sila nagbibigay daan
upang loob pagaanin
Mga pagkakataong labis
na naliligaw ng landas
nariyan upang ilihis
mapunta sa tamang landas
sa bawat patak ng oras

Comments
Post a Comment