AKO AT AKING AWIT
GO-UP
BY: SB19
May mga bagay na darating nalang bigla nang hindi mo inaasahan. Mga bagay na magiging sanhi ng kaligayahan at lungkot mo. Mga bagay na mawawala na lamang ng hindi mo inaasahan na magiging sanhi ng pagkagunaw ng mundo mo, subalit kapag naririnig ko ang mga lirikong tumorok na sa aking puso at isipan nagkakaroon ako muli ng pag-asang bumangon at tuparin ang mga pangarap ko sa buhay.
Ibibigay ko ang aking puso
Sa pag-abot ng pangarap, 'di hihinto
Handa 'kong harapin ang lahat, yeah
Kahit pa imposible Yeah, we gonna go up
Para sa akin, ang liriko na ito ng SB19 ang tumorok sa puso ko sapagkat ito ay isang inspirasyon sa nakakarinig nito. Simula nang marinig ko ang kantang ito ay itinaas nito ang aking kumpiyansa at gawin ang mga bagay na talagang gusto kong makamit. At katulad ng umawit sa kantang ito bago nila matamasa kung anong buhay ang mayroon sila ngayon ay dumaan muna sila sa hirap, at katulad nila, bago ko makuha ang rurok ng tagumpay kailangan ko munang pagdaanan ang hirap.
Tulad ng nasa liriko ng awiting ito, sa pag-abot ng pangarap di hihinto, kahit na may mga bagay na hindi ko alam kung kaya ko bang gawin, ay hindi ako hihinto sa pag-abot ng aking pangarap. Dahil kung gusto mo talaga ang isang bagay na makuha, hindi ka titigil hanggang sa maabot mo ito. Kahit na anong mangyari sa dadaanan mo, mga balakid na haharang sa pagsulong mo ay hindi ko hahayaang pigilan ako nito sa aking paroroonan.
Nangarap nang bukas mga mata, yeah
Lumakad nang may bubog sa paa, yeah
Lahat ng 'yong pagdududa (duda)
Pakpak ko parang kay Garuda (ruda)
'Cause I'm gonna go up (brah)
Anumang mga pagsubok ang humarang sa landas ng iyong tagumpay, kahit pa pa-ika-ika ka nang lumakad hanggat nananatili sa iyong puso ang nais mong pagtatagumpay ay walang makakapigil sa ating lumakad at magpatuloy. Kahit na durog na durog ka na at duguan ka na patuloy pa rin nating lalakbayin ang landas kung saan naroroon ang hinahangad na tagumpay. Gaano man kataas na bundok ang ating akyatin ay ating aakyatin sapagkat walang makakapigil sa taong mayroong pangarap sa buhay. Bawat pawis at dugo, kapalit nito ay karanasan at kamalayan na sa atin ay magsisilbing kayamanan.
Kaya naman salamat sa SB19 sapagkat isa ang kanilang musika sa paborito kong pakinggan sa lahat ng music platforms. At ang Go Up ang isa sa inspirasyon ko upang magpatuloy at makakuha ng lakas upang tuparin ang aking mga pangarap.
Madaling mangarap subalit mahirap tuparin ito kaya naman hanggat may pagkakataon tayo, gamitin natin ito upang unti-unti nating tuparin ang ating mga pangarap sa buhay. Sabi nga "Malayo ka pa, pero malayo ka na" kaya sana pati ikaw ay magpatuloy dahil malayo ka na.

Comments
Post a Comment