Kahihiyan


Larawan kuha sa Pinterest


KAHIHIYAN

Kung nakakahiyang pangyayari naman

Aba'y, marami rin naman ako niyan

nakakahiya na ngang balik-balikan

ngunit sa inyo, akin ngang susubukan

kahit pa kayo ay magsipagtawanan


Kami ay naglalakad ng aking pinsan

galing sa paaralan na pinasukan

patungo sa lugar na aming sasakyan

ngunit bago marating ang pupuntahan

kami ay sinalubong ng kahihiyan


Itong aking pinsan ngang may kadaldalan

butas sa gitna ng daan di napansin

kaya naman ayon, s'yay lumusot doon

mga nakakita'y nagsipagtawanan

kaya naman hiling sa lupa'y lamunin


Hindi lamang iyan aking karanasan

Buwan ng Nobyembre nakaraang taon

noong ang SPES ay muling nasimulan

RHU at Balagtas doon na-asign

kung saan naroroon ang bakunahan


Isang batang chubby, ako ay nakyutan

pagtingin sa akin ako'y kinawayan

kaya naman pabalik kong kinawayan

ngunit pagtingin ko sa aking likuran

hindi pala ako ang kinakawayan

Comments

Popular posts from this blog

Mga Ibong Mandaragit Ni: Amado V. Hernandez