PANGARAP NA PAMUMUHAY
Ano ang pangarap mong pamumuhay makalipas ang sampung taon? Dati-rati nang itinatanong satin ang bagay na ito, mapa-akademiko man yan o barkadahang kwentuhan, at sa kwentuhang ito, 'di na dito mahihiwalay ang pabonggahan ng kani-kanilang ari-arian, pagandahan ng bahay na may swimming pool, paangasan ng mga sasakyan at ang kanilang magiging mga trabaho sa hinaharap. Ngunit hindi natin maipagkakaila, sa labas ng barkadahanag kwentuhan na ito, gawin nating seryosong usapan, mapupunta tayo sa reyalidad ng buhay, sa mga pinabonggang mga ari-arian na nais makuha ay nagiging simple na lamang. Simpleng pamumuhay kasama ang pamilya, walang alitan at puro pagmamahalan lamang, lahat nagbibigayan at nagmamahalan. Payak na pamumuhay kung saan may negosyong mapagkukunan ng gastusin sa pang araw-araw na hindi na inaalala pa ang kinabukasan. At ako naman, nakapasok na sa propesyong gusto ko at may sapat ng kita at mayroong ipon sa bangko upang mabili ang mga ninanais. At isa pa, makalipas ang sampung taon, may maayos ng Sistema ang pamahalaan na mag-aangat sa buhay ng Pilipinas.
Hindi masamang mangarap. Mangarap tayo ng mga bagay na alam natin na makakapagpasaya at alam mong makakatulong sa iyo. Sapagkat ang pangarap na ito ang magiging daan upang simulang kumilos at bigyan ng katuparan ang lahat ng ito.
Comments
Post a Comment