Ala-ala na lamang

Tila ba ako'y naliligaw sa mundong umaalingawngaw
Di ko na matagpuan ang dati kong gawi
Di ko na maramdaman ang dating pakiramdam

Nakatingin ngayon sa kalangitan
Inaalala mga nagdaan
saan ko nga ba naramdaman

Napakaraming ala-alang nagbigay saya sa akin
isa na dito ay ang pagtingin kong sayo lamang nakalaan
tuksuan, iyakan, na kay sarap balik-balikan

mga panahong kami'y buo pa
mga panahong naririnig ko pa ang malakas mong halakhak
na pumapawi sa malulungkot naming araw

mga surpersa mong walang kapantay
na tumimo na sa puso't isipan
kaya naman hinahanap-hanap

Kay sarap balikan
ala-ala ng nakaraan
na tanging sa ala-ala mo nalamang mararamdaman


Comments

Popular posts from this blog

Mga Ibong Mandaragit Ni: Amado V. Hernandez