MAGNIFICO
TEMA/PAKSANG DIWA:
Ang pelikulang Magnifico ay pumapatungkol sa isang bata na nagngangalang Magnifico. Ang pangunahing paksa ng pelikulang ito ay ang pagkakaroon ng payak na pamumuhay, pag mulat sa mundo ng kahirapan ng pangunahing tauhan at ang pagkakaroon ng patong-patong na problema na karaniwang nararansan ng mga taong nasa laylayan ng lipunanan.Siya ay namulat sa mundo ng kahirapan.
KUWENTO
Base sa pinanood na pelikula, bawat eksena na aking nasasaksihan ay nakikita at patuloy pa ring nararanasan sa kasalukuyang panahon. Kaya naman masasabi ko na kahit luma na itong pelikulang ito ay makakarelate pa rin dito ang mga manonood sapagkat hanggang ngayon ay talamak pa rin sa ating paligid ang ganitong uri ng pamumuhay.
Malalim ang istorya ng pelikula sapagkat ang istorya ay umiikot sa mundo ng kahirapan kung saan bagamant lugmok sa kahirapan ang pamilya ng pangunahin tauhan na si Magnifico ay may nakakain naman ang pamilya nito. Hindi naging maligoy ang istorya sapagkat ang kwento ay nakapokus kay magnifico kung paano niya pinasan ang mga problema na hindi naman siya ang dapat na pumapasan ng mga problema. At dahil bukal kay Magnifico ang kabaitan at pagtulong, hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati sa mga taong nasa paligid niya. Isa pa, ang wakas ay isang napakalaking plot twist na wala sa isip ko na yuon ang kahahantungan ng pangunahing tauahan.
PAMAGAT
Ang pamagat ng pelikula ay "Magnifico" kung saan ito ang pangalan ng pangunahing tauhan sa pelikula. Binigyan niya ng kulay aat liwanag ang mga buhay na dating nakasadlak sa dilim at dusa. Ang kadakilaang nagawa ni Magnifico sa kanyang kapwa kung saan ang pag-ibig, pagtitiwala at lakas ng loob ang nagbigay pag-asa sa mga taong nakapalibot sa kanya.
DIYALOGO
Gumamit ng angkop na lenggwahe ang mga tauhan sa pelikula. At dahil ang kwento ay para sa masa na karaniwang nararanasan ng mga target na manonood ay gumamit ang mga tauhan ng mga pangakaraniwang mga dayalogo na ginagamit o mga salitang napapakinggan talaga sa paligod kung saan direktang pinapahiwatig ng mga tauhan ang kanilang nais sabihin o saloobin ng walang paligoy-ligoy pa.
TAUHAN
Nagampanan ng maayos ng mga tauhan sa pelikula ang kanilang karakter na ginagampanan. Ang mga tauhan sa pelikula ay makatotohanan sa pagganap na makikita sa kanila ng mga manonood kung kanino sa mga tauhan sa pelikula ang kagaya ng ugali nila. Ang mga eksena sa bawat tagpo ay madaling masakyan sapagkat litaw na litaw ang ugali sa mga Pilipino sa isang partikular na eksena. At ipinapakita ng bawat tauhan at karakter sa pelikula ang iba't ibang larawan ng buhay ng mga Pilipino at ang iba't ibang mukha ng tao sa lipunan.
CINEMATOGRAPIYA
Ang bawat anggulo ng kamera sa pelikula ay makatotohanan sapagkat binase nila ang anggulo sa pananaw ng bawat tauhan na ginagampanan ng bawat karakter sa pelikula, at base rin ito sa pananaw ng isang bata patungkol sa kung paano niya tanawin ang mundo kung saan siya lumaki.
Sa kabuuan, simple lamang ang mga kagamitang nagamit sa pelikula, walang mahal na kagamitan ang makikita dito sapagkat ang kwento ay umiikot sa buhay ng isang mahirap na hindi kinakailangan ng magagandang gamit upang gumanda ang eksena. Maging ang lokasyon na napili sa pelikula ay simole lamang kung saan pinili nila ang lugar na maipapakita ang kahirapan ng buhay.
IBA PANG ASPEKTONG TEKNIKAL
Naipakita sa pelikula ang malinis na daloy ng mga pangyayari sa kwento. Naisakatuparan sa malikhaing paraan ang lugar, na sa Laguna, at tagpuan. Akma ang mga itsura ng mga tagapagganap, kanilang kasuotan at kagamitan na nagpalitaw ng panahon, kapaligiran at katauhang hinihingi ng realidad sa pelikula. Ang pag-eedit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba pang ka-angkop nito.
.jpg)
Comments
Post a Comment