Saklap
Balang Araw
Hanggang tingin na lang ba ako?
Hanggang sulyap sa mga tiktok videos n'yo?
Gusto kong pumunta, pero paano?
Kung ang laman ng pitaka ko'y 'di nakikisama
Kay saklap naman oo
Ito siguro ang panahon,
Panahon, kung saan isinusumpa ko ang pagiging mahirap
Saklap diba?
Mahirap maging mahirap
May mga oras na 'pag may concert sila
wala kang pera, wala pang ipon
Kaya naiisip ko nalang, paano ba maging sila?
Kaya ako ito,
umaasa sa livestream o kaya naman audiostream
Naghahanap ng paraan mapanood lang kayo
Mapa facebook, twitter maging sa tiktok
Siguro sa tamang panahon at sa tamang pagkakataon
Isa na ako sa nasa harap n'yo, nakikikanta sa mga awitin n'yo
Tili dito, tili roon
Yung tipong 'di magkamayaw sa pagsigaw

Comments
Post a Comment