PAGPAPAUBAYA


Tinatanaw kita sa malayo, ang malamyos na tinig mo ang pumukaw ng atensyon ko. Ang galing mo pala, kaya lalo akong bumilib. Ngunit may mga bagay talaga na hindi pumapabor sa iyo. Dahil sa kabila ng aking pagkabilib sa iyo, iba pala ang iyong kinabibiliban.

Mahirap gawin itong bagay na ito, mahirap, lalo na’t mahal mo na ata siya, na gagawin mo ang lahat para lamang sakanya pero ‘di ikaw ang gusto niya, wag na kasi. Aasa ka kasi mahal mo, aasa ka kasi gusto mo, yan ang mga tapat, pero kung sino pa yung mga taong tinatapunan ng totoong pagmamahal, siya pa yung umiilag, yung mga taong ‘di mo alam kung totoo ba o pinapaasa ka lang, ayon sinasalo mo. 

Minsan kasi masakit na malaman mong ang isang kaibigan mo ang magiging kaagaw mo sa isang tao, hindi mo pa rin kakayaning wasakin ang pagkakaibigan niyo at handa ka magparaya at iwan ang lahat para sa kanya. Para sa ikasasaya nilang dalawa. Masakit. Pero ito lang ang tanging paraan. Mahal na ata kita kaso mahal mo kaibigan ko. Pinaubaya kita kase alam kong kaibigan ko ang gusto mo.

Comments

Popular posts from this blog

Mga Ibong Mandaragit Ni: Amado V. Hernandez